CHAPTER 22
Farrah Nicolah's POV: "Oh, Ma, magandang umaga po. Ba't natagalan ka atang umuwi ngayon?" bungad ko kay Mama at kinuha ang kamay niya para mag-mano.
Pang-gabi ang schedule ni Mama kaya sa pagkakaalam ko ay alas siete nang umaga matatapos ang shift niya. At dahil bumabyahe pa siya ay kadalasan alas otso na siya nakakauwi nang bahay. Ngunit ngayon ay natagalan siyang umuwi dahil alas diyes na at kakarating lang niya.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Ah, may pinuntahan lang ako." tipid na sagot naman ni Mama.
Hinubad ni Mama ang suot niyang rubber shoes at inilagay iyon sa shoe rack na nasa may gilid nang pintuan. Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa may salas. Sumusunod lang ako sa likod niya nang inilagay niya ang back pack niya sa gilid ng sofa bago umupo doon, umupo din ako at tumabi sa kanya.
Bumuntong-hininga si Mama at binigyan ako ng pagod na ngiti, "Eh, ikaw? Anong oras ba ang pasok mo sa trabaho ngayon at bakit nandito ka pa, anak?"
Napanguso ako, parang gusto kung maawa kay Mama dahil halata sa mukha niyang pagod siya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Mama at malambing ko siyang niyakap patagilid, "Mamayang alas-dos ng hapon pa ang pasok ko, Ma. Kumain ka na ba?"
Inilagay ni Mama ang isang braso niya sa balikat ko, ginagantihan ang yakap ko, "Oo, anak, tapos na akong kumain. Ikaw, kumain ka na ba?", tumango lang ako bilang tugon sa kanya. Hay, gustong-gusto ko na talagang wag na sana siyang pagtrabahuin. Kaso ayaw niya. Ayaw niya daw na iasa sa akin lahat, lalo na at marami kaming dapat bayaran buwan-buwan.
"A-aray!", bahagya akong napalayo kay Mama nang bigla nalang siyang sumigaw. Nanlalaki ang mata ko sa gulat at nakita ko siyang sapo-sapo niya ang kanyang ulo.
"Ma! Bakit? Anong nangyari sa'yo?", natatarantang tanong ko sa kanya. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa ulo niya. Impit na napapikit si Mama siguro dahil sa sakit na nadarama. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagmamadali nalang akong kumuha ng tubig para sa kanya.
Kinuha ni Mama ang tubig at uminom. Inihilig niya ang kanyang ulo sa sofa at pinisil-pisil ang ulo niya, "Arghh, wala lang 'to a-anak.. Bigla lang sumakit iyong ulo ko."
Inilapag ko ang baso sa may center table at bumalik harapan niya. Inabot ko ang ulo niya at marahan ko iyong minamasahe. Bumuntong-hininga ako, ito na nga ang sinasabi ko eh. Kaya ayaw ko na talaga siyang magtrabaho kaso ang tigas din ng ulo ni Mama.
"Ma, baka kailangan mo na talagang tumigil sa trabaho." di ko napigilang sabihin kay Mama. Nag-aalala lang naman ako sa kanya eh. Hindi na siya bumabata tapos hindi pa biro ang trabaho niya bilang isang lady guard. Kinuha ni Mama ang kamay ko'ng nagmamasahe sa kanya. Masuyo niyang hinalikan ang kamay ko pagkatapos ay binigyan niya ako nang napakatamis na ngiti, "Kulang lang ito sa pahinga anak. Huwag ka nang mag-alala at matutulog na ako para mawala ito."
Napabuntong-hininga ako bilang pagsuko. Alam ko namang hindi uobra kahit ilang beses ko pang kumbinsihin si Mama, "Pupunta ako ng pharmacy kaya bibilhan na lang din po kita ng gamot, Ma." kapagkuway sabi ko nalang sa kanya. "Ah, ganoon ba? May gamot pa naman ata ako diyan sa lagayan. Ano bang bibilhin mo sa pharmacy?", walang bahid na malisyang tanong ni Mama.
Ngunit, napalunok ako dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin ko. Hindi niya alam na gumagamit ako nang pills kaya kailangan kung mag-isip nang ibang rason. Oo, gumagamit na ako ng pills simula noong may nangyari sa amin ni Flynn. Mabuti nang maging handa at protektado dahil hindi pa ako sigurado kung kaya ko na maging isang ina.
"Ahm, a ano po, ahm pantyliner po, Ma. Oo, tama po, pantyliner ang bibilhin ko." patango-tango kong sabi parang kinukumbinsi ko ang sarili ko at si Mama.
"Sige, anak. Mag-iingat ka. Magpapahinga na din muna ako."
"Oo, Ma. Uminom po kayu nang gamot ha? Hindi ko na po kayu gigisingin pag-alis ko mamaya. I love you, Ma."
"I love you too, anak ko. Oh siya, sige na't pumanhik ka na."
*****
"Nicz, sama ka sa'min mamaya ah!"
Napalingon ako sa nagsasalita sa likod ko, si Junier. Binigyan ko naman siya nang natatanong na tingin.
"Hindi ka ba sinabihan ni Sheila? Punta tayo mamaya sa SunFlower. Iyong videokihan sa kabilang kanto, alam mo ba iyon?" umiling lang ako bilang sagot. Kahit lagpas isang buwan na akong nagtatrabaho dito hindi pa rin ako pamilyar sa mga malalapit na lugar nitong restaurant, "ah, basta punta ka ha! Birthday ko kaya hindi ka pwedeng tumanggi." nakangising ani ni Junier.
"Hala! Birthday mo pala? Di ko alam, sorry. Happy birthday, Junier!" gulat kong bati kay Junier.
"Hahaha. Okay lang, salamat. Basta sama ka samin mamaya ah! Tayo-tayo lang naman eh."
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Wala namang problema kung sasama ako. Etetext ko na lang si Mama. Pang-gabi na naman kasi ang schedule niya kaya ako na naman mag-isa mamaya. Pero, si Flynn kaya? Sasama ba siya mamaya? Paano kung hindi? So, hindi niya ba ako mahahatid mamaya? tanong ko sa isipan ko.
Simula noong gabing nagpakita ulit si Aideen sa akin ay walang araw na hindi ako hinatid ni Flynn pauwi sa amin. Hindi ko alam pero parang gusto ko na rin na gabi-gabi niya akong hinahatid. Parang nasasanay na ako sa mga ginagawa niya at sa presensya niya. At iyon ang ikinatatakot ko. Sa totoo lang ay pinapahalagahan ko ang lahat ng mga ginagawa niya sa akin.
Ngunit hindi talaga mawala-wala ang takot kung masaktan ulit. Ewan ko ba, pati sarili kong nararamdaman, hindi ko na din maintindihan. Malakas akong bumuntong-hininga at sumandal sa counter. Kumuha na ko nang cutleries at nagsisimula nang magpunas para may maepapang set-up mamaya.
But "thinking" of Flynn. Ayan naman siya, papunta sa kung nasaan ako. Alam ko na kung ano ang ipinunta niya dito. Napanguso ako dahil ang seryoso nang mukha nito, parang gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Napasinghap ako nang pumunta ito sa likuran ko, nararamdaman ko na ang lapit lang nang mukha niya sa may tenga ko.NôvelDrama.Org content.
"I miss you, baby. Pwede bang tayo naman ang sabay kumain ngayong break-time mo?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko at mariing napapikit dahil nakikiliti ako sa dalawang rason. Una, ay dahil naramdaman kung dumapo ang hininga niya sa tenga ko. Pangalawa, ay dahil sa sinabi niya.
Ngunit nang mapagtanto ko kung nasaan kami ay mabilis kong iginala ang paningin ko sa paligid namin. Ayaw ko'ng may makakita sa amin at baka kung ano pa ang isipin nila patungkol sa aming dalawa ni Flynn.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala naman palang nakatingin sa amin. Busy ang ibang kasamahan ko sa pag-aattend ng gusto nang mga guest namin. On-break din kasi ang iba kasali na si Beau do'n. Since, closing ang schedule ko, isang oras lang ang break-time ko. Hindi ko na siya nakakasama tuwing kakain ako dahil iniimbitahan ako palagi ni Via na sabay na daw akong kumain sa kanila.
Napanguso ako at napailing, "Kung maka-miss ka naman! Parang hindi mo ako hinahatid pauwi ah." mahina kong sambit sa kanya nang hindi siya tinitignan.
"Hmm.. please, baby." naglalambing na ani ni Flynn.
Haharapin ko na sana siya ngunit hindi iyon natuloy. Napatayo ako ng tuwid nang makita ko si Via na paparating sa gawi namin. Tumikhim ako at nagsalita ulit kay Flynn, "Oo na, sige sabay tayo mamaya. Punta ka na ulit doon kasi paparating si Via dito."
"Ano naman ngayon ko paparating siya?" nahihimigan ko ang inis sa boses niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Malakas akong nagpakawala ng hangin sa dibdib at hinarap siya, "SIR, nasa trabaho pa po ako!", diniinan ko talaga ang unang salita.
Ayaw ko kasi talagang may makakita sa amin lalo na kapag nasa trabaho. At baka kung ano pa ang isipin at masabi nila tungkol sa amin. Flynn is my boss after all, that is why I know that it's not appropriate for us to be like this, especially kung oras nang trabaho ko.
"Okay, I understand." nanlulumo naman itong tumango, "Basta mamaya dumiretso ka na sa office ko pag break-time mo na. I'll be waiting for you." ani naman nito at umalis na.
Napapailing nalang ako. Talagang hindi niya na ako hinintay na maka-hindi sa kanya eh. Sakto naman ang pag-alis ni Flynn nang dumating na si Via.
"Anong ginawa ni Chef dito?" tanong agad ni Via sa'kin.
"Ahm, wala. Nagtanong lang siya kung may reservations ba ngayong dinner." pagsisinungaling ko sa kanya. Ito talaga ang ayaw ko eh. Iyong pag may makakita sa amin, alam kong imposibleng hindi sila magtanong. "Ah, okay." nagkibit-balikat siya, "Sinabihan mo bang meron?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Nga pala Via. Hindi na muna ako sasabay sa inyo ngayong break ha? May pupuntahan ako mamaya eh."
Kumunot ang noo niya, "Saan naman? Diba isang oras lang break natin?" pang-uusisa niya.
Bumuntong-hininga ako, "Ahm, magkikita kami nang kaibigan ko mamaya." shet, napakasinungaling ko na talaga!
Tumango lang si Via at nagsabing "Okay, mag-ingat ka."
Lihim akong napangiti. Na-eexcite na makasama ko si Flynn mamaya.
To be continued...