CHAPTER 23
Flynn Noah's POV:
Nababagot na ako sa kakahintay na dumating si Farrah dito sa opisina ko. Gusto ko sana'ng puntahan siya doon sa loob ng restaurant at sabihan na mag break na siya. Ngunit, alam kong ayaw niya iyon. Hindi niya man sinasabi sakin, pero pinaparamdam niya naman na ayaw niyang makita kami ng mga kasamahan niya na magkasama kaming dalawa.
I tiredly sit down on my swivel chair. I propped my elbow on the table, hand holding my chin. Looking at the widely open door, waiting for Farrah's arrival.Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!
Ano pa kaya ang ginagawa ni Farrah sa loob? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?
Bigla akong nabuhayan nang makita ko na siyang pumasok sa opisina ko. Ngunit, nanliliit ang mata kong tinignan siya. Para siyang hinabol nang aso sa itsura niya. Habol-habol ang hininga at mabilis niyang isinara ang pintuan ng opisina ko. "Hey, what happen to you?" I ask her while walking towards her direction, "Tumakbo ka ba?"
Her hands are on her knees, breathing heavily as if gasping for air, "Ah. Oo." she answered sparingly.
I shook my head lightly and grabbed her by the waist. I guided her to my swivel chair and make her sit there. I went took my hydro-flask, opened it before handing it to her.
She give me a sweet smile as she hurriedly get my hydro flask. I kneel down in front of her, staring at her intently while she's drinking my water.
"Thank you, Flynn." she said after drinking.
"Are you fine now?" I put some of her hair strands at the back of her ear, "Bakit ka ba kasi tumakbo?"
"Eh kasi, ayokong makita nila na pumasok ako dito sa opisina mo.", she said while wiping the sweats on her forehead, "Nag sinungaling kaya ako sa kanila. Sinabi ko na makikipagkita ako sa kaibigan ko kaya hindi ako makaka-sabay sa kanila ngayon."
My brow shot up as I heard her say those. So, tama nga ako. Ayaw niya nga na may makakita sa amin. At ano daw? Kaibigan? Huh! Tss. "So, I'm your friend huh?" I scoffed.
I can't help but be sarcastic. Of course, hindi niya ako boyfriend kaya natural lang na hindi niya ako ipakilala na bilang gano'n, diba? But, does she really considered me as her friend? Oh! May friends na pala na magse-s*x? Well, maybe this is what they call friends with benefits, then?
"Eh, hindi ba tayo magkaibigan?"
Napamaang ako sa sinabi niya. Ano bang gustong iparating nito? Is this also her way of saying na wala akong pag-asa sa kaniya? Na basted na ako? Why can't she said it directly? Ouch! Parang nasaktan ako bigla.
I let out a harsh breathe and stand up, "Well, if that's what you want." I shrugged, "Anyways, kumain ka na at baka maubos ang 1-hour break mo."
"Wait, ikaw? Hindi kaba kakain?" takang tanong ni Farrah sa akin.
Kung kanina ay excited akong makasama siya, ngayon ay parang nakapanlulumo na. Ngunit ayaw kong ipahalata iyon sa kanya. Tipid akong ngumiti at sinagot siya, "Hindi na. Nawalan ako nang gana." Kumunot ang noo ni Farrah, "Ha? Bakit naman? Halika, sabay na tayong kumain."
At wala akong nagawa. Para akong sunod-sunoran kay Farrah. Tahimik lang kaming kumakain nang baon niya. Panay ang tanggi ko dahil ayaw ko sanang kumain ngunit ang kulit niya at sinusubuan pa talaga ako. Tsk. "Sasama ka ba mamaya, Flynn?" Farrah suddenly asked me, after a minutes of silence.
We're already done eating and we're just quietly sitting side by side on my rectangular couch here in the office. I stared at her, confused, "Sasama saan?"
"Ah, hindi ka ba nila inimbitahan?" balik-tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya kaya umiling na lang ako.
000
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Farrah Nicolah's POV:
Hindi ako sanay sa Flynn na katabi ko ngayon. Kanina pa siya mukhang wala sa mood at hindi ko alam kung bakit. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito at hindi ko iyon gusto. Kanina nang inanyaya ko siyang kumain ay panay tanggi lamang ito. Inignora ko naman iyon at sinusubuan ko pa rin siya kanina.
At no'ng tinanong ko siya kung sasama ba siya mamaya ay iling lang ang sinagot nito kaya hindi ko na siya kinulit pa. Hanggang sa matapos ang break ko ay tahimik lang kaming dalawa. Para tuloy nasayang ang effort kung pagsisinungaling kanina para lang makasama sana siya.
Bumuntong-hininga ako. Pilit na ngumiti dahil may guest na biglang nagtawag sa'kin. Linapitan ko ito at dinaluhan ang kailangan niya.
Parang nabagot ako bigla habang nasa trabaho. Parang gusto ko na lang bumilis ang oras at para matapos na itong araw na 'to. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin.
Siguro ay nahawa ako sa mood ni Flynn kanina, tsk! Eh kasi naman eh, ano ba kasing nangyari sa lalaking iyon? Parang hindi pa naman ata siya kasama mamaya. Ibig bang sabihin nito ay baka hindi niya din ako maihatid pauwi? Parang ayaw ko na lang tuloy sumama mamaya sa kanila. Hays!
***
"Wow! Ang ganda talaga ng legs mo Farrah! Kaya bagay na bagay sa'yo ang magsuot nang maiiksing shorts."
Napanguso ako sa papuri ni Via. Tinignan ko ang aking suot at nakita kong hindi naman iyon maiksing shorts. Hanggang gitna nang hita ko nga ang haba no'n eh. Ang maiksing shorts ay iyong halos makita na ang pwet, at hindi gano'n ang suot ko noh!
Andito na kami sa locker at nagbibihis pa ang iba kong kasamahan. Halos lahat pala kami ang sasama, pati nga si Beau na akala ko'y hindi sasama.
Ngunit, ang hindi ko lang sigurado if pati ba si Flynn ay sasama. Pero sana sumama siya. Gusto kong ando'n siya at para siya parin ang maghahatid sa akin pag-uwi ko mamaya.
"Farrah, sa akin ka na sumakay ha. Mahihintay lang ako sa parking lot." sabi ni Beau sa akin bago umalis na ng locker room.
"Beau ako din, doon ako makikisakay sa'yo ah? Okay lang ba?" pahabol naman na tanong ni Via at tinanguan lang siya ni Beau bilang sagot.
"Ako, kay Chef na ako makikisakay. Doon ako sa passenger seat uupo para makatabi ko siya. Hihihi" sambit naman ni Sheila na nagpataas nang kilay ko.
"Sasama pala siya?" hindi ko napigilang tanong. Umigting ang panga ko, parang gusto kong sabunotan bigla ang buhaghag na buhok sa kinikilig na si Sheila, "Akala ko walang nag imbita sa kanya?"
"Nicolah, ni kailanman ay hindi namin nakalimutan imbitahan si Chef noh! Palagi 'yang sumasama sa amin pag mag na night-out kami."
So, sasama nga talaga siya? Bakit di niya sinabi sa akin kanina?
"Late ko na nga lang nasabihan si Chef. Pero wala naman 'yong problema kasi alam ko namang sasama siya." halos mapunit ang mga labi ni Sheila sa laki nang ngiti niya. Hindi ko napigilang umikot ang mga mata ko. Edi ikaw na! Ikaw na ang may alam! Tse!
At totoo nga talaga na sasama siya. Andito na kami lahat ngayon sa parking lot. Nag uusap-usap sila kung saan kami pupunta at doon nalang daw kami magkikita-kita. Ang mga lalaking taga-kusina ay may mga kanya-kanyang motor. Si Beau at Flynn naman ay ang mga may dalang sasakyan.
Gusto ko sanang doon ako makikisakay sa sasakyan ni Flynn. Ako dapat ang uupo doon sa passenger seat at hindi si Sheila. Nang-uuyam ako sa galit dahil feel na feel niya naman na magkatabi silang dalawa!
Ngunit, anong magagawa ko? Na hindi nga man lang ako tinapunan nang tingin ni Flynn. Nakakabadtrip naman! Ano bang problema niya? Bakit bigla nalang siyang naging ganito? May nagawa ba ako sa kanya na hindi niya nagustuhan? Bakit sa pagkaka-alam ko'y wala naman ah?!
"Farrah! Let's go." hindi ko namamalayan na ako nalang pala ang hindi pa nakakasakay.
Nakasakay na si Ma'am Lina, Ma'am Pinty, Patricia, at Sheila sa sasakyan ni Flynn. Habang ako nalang ang hinintay ni Beau na makasakay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.
"Are you okay?" kunot-noong tanong ni Beau sa'kin.
Tumango lang ako bilang sagot. Beau, on the other hand, just shrugged his shoulder before starting the car.
To be continued...