Chapter 1
Chapter 1
ISINARA ni Jethro ang kahuli-hulihang butones ng kanyang itim na long sleeves bago iyon pinatungan
ng puting amerikana. Humarap siya sa salamin pagkatapos ay matipid na napangiti. Maganda ang tela
ng damit, pati na ang pagkakayari. Kahit bahagyang hapit ay hindi iyon nakakasakal isuot. It was
exactly what he wanted in a suit. Simple pero hindi maikakailang elegante ang disenyo.
"I like this one," mayamaya si sabi ni Jethro sa babaeng nag-a-assist sa kanya sa pagsusukat. "Wala
nang kailangang baguhin. I like it just the way it is. Where's the designer?"
Ngumiti ang babae. "Nasa kabilang room po, sir. Tinitingnan niya pa po kung may mga kailangan pang
baguhin para sa gown ng bride."
Gumanti si Jethro ng ngiti sa kaharap pagkatapos ay nagpunta na sa kabilang kwarto. Tatlong
magkakasunod na katok ang ginawa niya sa nakasarang pinto. Nang wala pa ring narinig na sagot
mula sa loob ay napakunot-noo siya. Pinihit niya nang dahan-dahan ang pinto pabukas, para lang
magulat sa nabungaran.
Standing in the middle of the room was no other than Cassandra-his ex-girlfriend-who was wearing his
bride-to-be's wedding dress. Kahit nakatalikod sa kanya ay malinaw niya pa ring nakikita ang mukha
nito dahil nakaharap sa direksyon niya ang salamin na kasalukuyang tinititigan nito.
"So you're the designer," pagkumpirma ni Jethro nang makabawi sa pagkabigla. Nang sabihin sa
kanya ni Dana na sikat at kakilala nito ang fashion designer na siyang gagawa ng mga isusuot para sa
kanilang kasal ay ni hindi pumasok sa isip niyang si Cassandra pala ang tinutukoy ng fiancée niya.
What on earth are you planning, Dana?
"It looks good on you. Mabuti na lang pala at kabisado ko pa rin ang sukat mo," sa halip ay sagot ni
Cassandra bago humarap sa kanya.
Napalunok si Jethro. She looked achingly beautiful wearing the gown. Bigla ay gusto niyang pagsisihan
na hindi muna niya inalis ang suot na suit bago nagpunta roon. Nagmukha tuloy na silang dalawa ang
ikakasal.
Dahan-dahang naglakad si Cassandra palapit. "Isinukat ko na ang gown. Tutal, pareho naman kami ng
body size ni Dana. I just want to try it for the last time and daydream for a while." Hinaplos ng dalaga
ang mga pisngi niya. "Because this could have been real, you know. This could have been... us."
Marahas na napahugot ng malalim na hininga si Jethro pagkatapos ay inilayo ang malalambot na
kamay ng dalaga sa kanya. He tried his best not to get distracted by her heavenly scent. "Cassandra-"
"Have you practiced saying your vows?"
Nag-iwas siya ng tingin. "I have."
"How about the kiss?" Gusto nang kumawala ng pasensya ni Jethro nang ipaikot ni Cassandra ang
mga braso sa kanyang batok at lalo pang ilapit ang sarili sa kanya. "Come on, let's see. Para
siguradong walang pagkakamaling mangyari sa araw ng kasal." Nasorpresa siya nang tumingkayad
ang dalaga at abutin ang mga labi niya.
Naikuyom ni Jethro ang mga kamay. God, if this is a test... then, I'm sorry for failing, he thought before
closing his eyes and allowing his self to savor the kiss. That one last, sinful kiss.
Mayamaya ay kusa ring tumigil si Cassandra. Idinikit nito ang noo sa noo niya. "What about me, Jet?
Ipa-practice ko na rin ba kung ano'ng sasabihin ko kapag nagtanong na ang pari kung may tumututol
sa kasal?"
Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Tuluyan na niyang idinistansya ang sarili.
"Cassandra, stop this-"
Natigilan sila pareho nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. "Jet, honey, nandyan ka ba?"
Nang makita ni Jethro ang unti-unting paggalaw ng doorknob ay mabilis na inilayo niya ang sarili kay
Cassandra. Pero pinigilan siya nito at sa halip ay hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.
Napabuntong-hininga siya. "Let go, Cassandra."
"What's going on here?" Agad na napatingin si Jethro sa kanyang fiancée na kasalukuyang pinaglilipat-
lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Cassandra.
"And here comes the stunning bride-to-be," Parang bale-walang sinabi ni Cassandra. "Hello, Dana. I
was just doing my job." Muli itong lumapit kay Jethro at inayos ang kwelyo ng amerikana niya.
"Tinitingnan ko lang kung maayos na ang lahat. Sa panahon ngayon, mahirap pa namang magkamali."
Mapait itong ngumiti kasabay ng pagbulong kay Jethro. "Best wishes... love."
Lumayo na si Cassandra at ngumiti kay Dana. "Magkasinsukat naman tayo kaya rest assured na okay
na itong gown. 'Wag mo nang i-try. Masama... baka hindi pa matuloy ang kasal."
Sunod-sunod na malalim na paghinga ang pinakawalan ni Jethro nang sa wakas ay lumabas ng kwarto
si Cassandra. Nang pagmasdan niya ang sarili sa salamin ay hindi niya nakita ang lalaking inaasahan
niyang makikita sa repleksiyon. Instead, what he saw was a man who had been a victim of so many it-
could-have-beens.
"IT'S GOOD to be back," bulong ni Cassandra sa sarili habang tinatanaw ang nagtataasang gusali at
establishments na nadaraanan ng taxi na kanyang sinasakyan. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya
nang maipit sila sa gitna ng traffic.
Ang traffic ang isa sa mga bagay na kinaiinisan ni Cassandra sa Pilipinas noon pero dahil matagal-
tagal din siyang nawala sa bansa ay pinananabikan niya iyon ngayon. Dahil isa iyong malaking
patunay na sa wakas... ay nakabalik na nga siya.
Apat na taon ding nawala si Cassandra. At sa loob ng mga taong iyon ay walang araw na hindi
pumasok sa kanyang isip ang bumalik na lang sa sariling bansa. Pero pilit na pinaglabanan niya ang
kalungkutan at emptiness na dulot ng pag-iisa sa pag-asang isang araw ay makakauwi rin siyang muli
at mapapawi ang lahat ng mga paghihirap niya.
Kinuha ni Cassandra ang cell phone sa kanyang bag. Nawala ang pagod na kanyang nararamdaman
nang sumalubong sa kanya ang picture ni Jethro sa screen na ginawa niyang wallpaper. Nagkalat din
ang pictures ng binata sa wallet niya, sa flat, pati na sa opisina niya sa France.
Dating boyfriend ni Cassandra si Jethro. Nagkahiwalay sila nang mangibang-bansa siya at ipagpilitan
ang desisyon sa kabila ng kagustuhan nito na magpakasal sila. Pagod na siyang palaging nakasandal
kay Jethro. Ginusto niyang magbago para sa binata. Iniwan niya ang dating immature, selfish, at
palaasang Cassandra para maging karapat-dapat para kay Jethro. Sinikap niyang tumayo sa sariling
mga paa para sa pagbabalik niya ay may maipagmamalaki na siya rito.
Isa nang matagumpay na fashion designer si Cassandra ngayon. Malayong-malayo sa walang
kasiguruhang buhay niya noon bilang modelo. Ayaw na niyang mangyari ang nangyari noon na tuwing
magkasama sila, kahit si Jethro ay nababatikos nang dahil sa mga naging maling desisyon niya sa
buhay.
Kaya ginawa niyang araw ang gabi sa France. Nagsikap siya nang husto dahil pinanghawakan niya
ang pagmamahal ni Jethro sa kanya. At kahit alam niyang hiwalay na sila ay umaasa pa rin siyang muli
pa rin silang magkakabalikan para matuloy na ang naudlot nilang mga pangarap noon.
Sa wakas, hindi lang sa litrato kita makikita at makakausap ngayon. Hinaplos ni Cassandra ang screen
ng cell phone. Sa araw na ito ay muling magpapatuloy ang ating kwento... mahal ko. Muli siyang
napangiti. Mayamaya ay idinayal niya ang contact number ng kanyang kuya Throne, ang nag-iisang
kapatid na halos walong taon ang tanda sa kanya.
Ang kapatid ni Cassandra ang naging parang ama't ina niya mula nang maghiwalay ang kanilang mga
magulang noong nasa elementary pa lang siya. Kaya bukod kay Jethro, ang kapatid ang pinakamalapit
na tao sa kanyang puso. Pero walang ideya ang kuya niya na nakabalik na siya.
Excited na napangiti si Cassandra nang sa wakas ay sumagot na ang kuya Throne niya sa kabilang
linya. "Cassey, sweetheart, I'm driving at the moment. Pwede bang mamaya ka na lang-"
"It's okay, kuya," maagap na sagot niya. "I just wanted to remind you that it's Jethro's birthday today.
Sigurado namang pupunta kayo ni Christmas sa bahay ni Jethro ngayon, right?" tukoy niya sa may-
bahay ng kapatid na bunsong kapatid naman ni Jethro. "Kaya doon na lang tayo magkita-kita ngayon.
Kindly bring a bigger car, kuya. Marami-rami rin ang bagahe ko. See you there!"
"What?! Wait, Cassey-"
Pilyang pinindot na ni Cassandra ang End button. Sigurado namang sesermunan lang siya ng kuya
niya tungkol sa biglaan niyang pag-uwi. Nang makapasok na ang taxi sa subdivision nina Jethro ay
mabilis na nag-retouch siya.
"Ma'am, nandito na po tayo," sabi ng driver.
Excited na sumilip si Cassandra sa bintana. Hindi na siya nagtaka sa ilang sasakyang nakaparada
roon na siguradong mga bisita ni Jethro. Halos wala pa ring nagbago. Puti pa rin ang dominanteng
kulay sa tatlong palapag na bahay ng binata na ang mga haligi ay puro salamin.
Binayaran niya ang driver pagkatapos ay bumaba na. Napahugot siya ng malalim na hininga saka
lakas-loob na sanang pipindutin ang doorbell nang mapasinghap siya sa kamay na biglang humawak
sa kanyang braso.
Ang nag-aalalang anyo ni Throne ang nalingunan ni Cassandra. Napahawak siya sa dibdib. Ang akala
niya ay kung sino na.
Mabilis na niyakap niya ang kapatid. Isang taon na rin ang nakararaan nang huli siyang dalawin nito sa
France. "I've missed you, kuya Throne. Pero bakit ang aga mo naman yata?" Nang kumawala siya sa
pagkakayakap ng kapatid ay napalinga-linga siya sa magkabilang gilid nito. "Nasaan si Chris? Bakit-"
"'Wag ka na munang pumasok, Cassandra," sa halip ay para bang seryosong sagot ni Throne. "Mag-
usap na muna tayo."
Magsasalita pa sana si Cassandra nang may umakbay sa kanilang magkapatid. Si Brylle iyon, ang
best friend ng kuya niya at pinsan nila.
"Masaya akong nakabalik ka na, Cassey." Hinalikan siya ni Brylle sa noo pagkatapos ay nilingon si
Throne. "At masaya rin akong nakita kang problemado, Throne. God, I've missed those knots on your
forehead!" Napapalatak na pinindot ni Brylle ang doorbell. "Don't tell me you're worried about the ex-
sweethearts? Come on, they'll be fine, buddy. Who knows? Baka nga kunin pa ni Jethro si Cassandra
bilang maid-of-honor sa kasal niya-"
Kumabog ang dibdib ni Cassandra. "T-teka, what do you mean?" Parang nahihilong kumalas siya sa
pinsan. "Sino'ng... ikakasal?" Humarap siya sa kapatid na bigla namang nag-iwas ng tingin. "A-ano'ng
m-meron?"
"Akala ko pa naman, 'yon ang rason kung bakit nandito ka, para maki-celebrate." Kumunot ang noo ni
Brylle. "Ikakasal na ang ex mo. In fact, isasabay na ngayon sa birthday niya ang engagement party nila
ni Dana."
Parang nabibinging bumigay ang mga tuhod ni Cassandra. Hindi natupad ang plano niyang
sorpresahin si Jethro... dahil siya ang nasorpresa.
God... gaano ba katagal ang apat na taon?
"KALMAHIN mo muna ang sarili mo, Cassey. Please."
Nahinto sa mabibilis na paghakbang si Cassandra papasok sa bahay ni Jethro nang marinig ang
pabulong na sinabing iyon ng kapatid. Binalewala niya ang curiosity na napansin sa mga mata ng mga
taong nadaraanan. Parang sasabog ang dibdib na hinarap niya si Throne. "Bakit?" Garalgal ang boses
na tanong niya. "Bakit hindi mo sinabi? I called you many times, kuya. Ang sabi mo, maayos ang lahat.
Ang sabi mo, masama lang ang loob niya kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Ang sabi mo-"
"Ano'ng nangyayari rito?"
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Cassandra sa narinig na baritonong boss na iyon. Kay tagal niya iyong
hinanap. Halos masiraan siya ng bait sa France kakapilit na tawagan ang binata para lang marinig ang
boses nito.
Paglingon niya sa hagdan ay nakita niya sa tuktok ng palapag si Jethro. Napakaregal nitong tingnan sa
suot na itim na amerikana. He looked every inch a king, set to claim him domain; mula sa bahagyang
alon-alon na kulay-mais na buhok na pinahaba hanggang balikat, sa makakapal na kilay at kulay-
tsokolateng malamlam na mga mata na binagayan ng napakalalantik na pilikmata, ang matangos at
eleganteng ilong na palagi niyang pinanggigigilan noon, at hanggang sa makipot at mapulang mga labi
na parang pagmamay-ari ng isang babae.
Pinigilan ni Cassandra ang mapaluha. Paanong nangyaring ikakasal na ang kanyang si Jethro?
Tiyak ang mga hakbang ni Jethro pababa ng hagdan habang nakatitig sa kanya. Ni wala man lang
siyang nakitang reaction mula sa binata tungkol sa kanyang pagbabalik. Ni walang init sa mga mata
nito. Hindi man lang ba siya na-miss ni Jethro? Dahil siya, sa araw at gabi, ay hinahanap ang binata.
Nang hindi na mapigilan ang sarili ay sinugod ni Cassandra si Jethro ng yakap na kasinghigpit ng
pinangarap niya kapag muli silang nagkita. "God, Jet. I've missed you so much."
"Nasa Pilipinas ka na uli, Cassandra, so know your territory." Natigilan siya sa narinig na boses.
Kasabay ng amused na pagtawa ni Jethro ay ang possessive na pag-abrisete ni Dana sa binata
dahilan para mapilitan siyang lumayo.
"Nagselos ka naman kaagad?" malambing na wika ni Jethro bago hinapit ang baywang ni Dana.
Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ni Cassandra sa nasaksihan. Mapait siyang napangiti.
"So totoo nga na... ikakasal ka na talaga, Jet?"
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jethro nang muling humarap sa kanya. "Yeah. Pwede kang
pumunta sa kasal kung gusto mo. And you can join our engagement party, too."
Napasinghap si Cassandra sabay lingon kay Throne na inakbayan siya. "Wow! Lucky me! I am actually
invited, kuya Throne." Muli siyang humarap kay Jethro kahit pa muli ring nagsikip ang dibdib niya nang
makita ang binata at ang fiancée nito. Gusto niyang matawa. Sino ang mag-aakalang ang babaeng
kasa-kasama lang ni Jethro sa panghaharana sa kanya noon ang siyang magiging fiancée nito
ngayon?
Inalis niya ang kamay ni Throne na pasimpleng pumipigil sa kanya, saka muling lumapit kay Jethro.
"Pasensiya ka na, hindi man lang ako nakapagdala ng regalo. Hindi ko kasi alam na two-in-one
celebration pala ito. Kaya pagdamutan mo na muna sana 'to..." Kahit nasa tabi lang ng binata ang
fiancée nito ay lakas-loob na muli niya itong niyakap at dinampian ng halik sa mga labi. "Happy
birthday, Jet and... congratulations," mahina niyang wika nang makita ang pagdaan ng pagkagulat sa
mukha nito pagkatapos ay nagpahila na siya sa kanyang kapatid.
Palabas na sana sila nang marinig ni Cassandra ang pagtawag sa kanya ni Dana. Namumula na ang
mga pisngi ng babae. "I'm a little disappointed, you know. Sa France ka nanggaling, Cassandra, at
hindi sa bundok. Kaya dapat alam mo ang ibig sabihin ng salitang 'fiancée.'" Nagkibit-balikat si Dana.
"Pero pagbibigyan kita ngayon. Siguro nga, may jet lag ka pa kaya nakalimot ka na. But next time, be
careful about who you hug... and kiss because Jethro's off-limits now."
Kumuyom ang mga kamay ni Cassandra sa pinaghalong sakit at galit. Magsasalita pa sana siya nang
maunahan siya ni Jethro.
"Come on, love, it's okay. Si Cassandra lang 'yan. She and I are over." Pinahid ng binata ang mga labi
bago tumawa. "Heck, pakiramdam ko tuloy, nagkasala ako. I felt like kissing a teenager."
Daig pa ni Cassandra ang sinampal sa narinig. Sa isang iglap ay nawasak ang kumpiyansa niya sa
sarili na pinaghirapang buuin sa nakalipas na mga taon. Kung makapagsalita si Jethro, parang walang
nagbago sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa dating beinte-siyete anyos na isip-
batang Cassandra na palagi lang nakadepende rito.
Malakas na tumikhim si Throne. "Wow. It's strange to hear you call her 'teenager' now, Jet. When only
four years ago, you were holding and kissing her as her possessive lover." Nang matigilan sina Jethro
at Dana ay natawa si Throne. "Oops. Nagbibiro lang ako. Anyway, best wishes." Sinaluduhan pa nito
ang dalawa pagkatapos ay tuluyan nang hinila si Cassandra palabas.