Respectfully Yours

Chapter 56



Chapter 56

Anikka

"Please Anak, labasin mo naman kami dito." Ani ni Mama, kanina pa siya katok ng katok sa pintuan,

pero ayokong lumbas. Alam kong nag-aalala na sila pero ayokong makita nila akong ganito miserable.

Mas mag-aalala pa sila sa akin lalo.

Mugtong-mugto na ang mga mata ko kakaiyak. He's not worth the tears, pero kahit anong pigil ko ay

hindi pa rin mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.

Kada iniisip ko yung mga masasaya naming alaala ni Lukas, ay may kirot sa dibdib ko na tila

sinasaksak ako ng paulit-ulit. Kasi lahat ng mga iyon ay pawang mga kasinungalingan lamang,

pinaniwala niya ako sa lahat na iyon.

Kaya ito ako ngayon walang humpay sa kakaiyak. Gusto ko man na kalimutan siya, hindi ko magawa.

Saksi ang kwarto na ito sa mga pangyayari sa pagitan namin ni Lukas, dito niya ako unang hinalikan.

Napapikit ako pero mukha ni Lukas ang bumungad sa akin. Lintik! Bakit hindi ka mawala sa isipan ko!

Please kahit minsan lang makalimutan kita, para maibsan itong sakit, yung pagdurog niya sa puso ko.

Ang sakit sakit sobra! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Ang hirap pala ng ganito. Akala ko hindi ko

dadanasin ito kay Lukas, akala ko magiging masaya kami.

Wala akong ginagawa sa kanya, I am very loyal to him. Pinakita rin niya sa akin na ako lang. Hindi pala

totoo lang lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung saan ko nagkulang at nagawa niya pa akong lokohin. Hindi ba ako sapat sa kanya

Hindi talaga siya nagbago, siya talaga yung Lukas na napakababaero. Napakasama niya.

Sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Lukas.

"Lukas lutang na lutang ka yata ngayon." Nag-angat lamang ako ng tingin kay Ken.

"Lukas, look pirma ka na lang ng pirma diyan, di mo man lang binabasa. Baka mamaya hindi mo

namamalayan, pagpasa na ng kayamanan ang pinipirmahan mo. Just chillax bro!" Ani ni Ken na

ngiting ngiti pa, siguro nakaiskor ang mokong.

Umiling na lang ako sa kanya. I cant damn focus, siya pa rin ang laman ng utak ko. I dont know what to

do. Gusto kong gugulin ang oras ko sa trabaho kahit makalimutan siya kahit saglit. Kahit kaharap ko

itong sandamukal na papel na ito, siya pa rin yung iniisip ko.

I love her but she's away with me. She's freaking mad at me. Hindi ko alam ang gagawin, ayaw na niya

akong paniwalaan.

"Oh boy! Brokenhearted ka nga pala loverboy. Kung dinamayan mo ko kahapon, dadamayan din kita

diyan. Ano? Gusto mo ipaligpit na rin natin pati ex mo."

Tinitigan ko lang siya.

"Oh sorry, gusto lang kitang ngumiti, yung mukha mo kasi di na maipinta sa sobrang lungkot."

"I just cant help it Ken."

"Whatever it is bro, magpakatatag ka. Fight for Anikka,you love her right?" Bigla akong nabuhayan, I

really love her, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Wala akong saysay kung wala si Anikka. Hindi

ako sanay ng wala siya at hindi ko na nakikita ang sarili ko na bumalik sa dati, dahil si Anikka lang ang

hahawakan ko, hahalikan at pag-aalayan ng sarili. Hindi ko na kayang gawin iyon sa ibang babae. Têxt belongs to NôvelDrama.Org.

Kaya naniniwala ako na wala talagang nangyari sa amin ni Eris. She just need to believe, pero

mukhang hindi naman mangyayari iyon.

"Remember this bro, the truth will always prevail. Alam kong wala kang kasalanan. Ang lakas kaya ng

tama mo dun sa nerd na yun."

"She's not a nerd!" I hate when someone's saying she's a nerd. She's not! G

"Mr.Aragon." Natigilan kami ni Ken ng lingunin namin ang pintuan.

It's Mrs. Fuentes, nakatitig lang siya sa akin. Alam na niya kaya ang nangyari? Kung balak niya akong

kumprontahin, handa akong sabihin sa anak niya lahat ng iyon. Na wala talaga, baka sakaling

maniwala siya. Kung sasaktan man ako, handa akong saluhin lahat, para sa ganoon mapatunayan ko

na malinis ako at wala akong ginagawang masama.

I willing to do that, kahit ipabugbog pa nila ako. I wont fight, Just to prove them, na mahal ko ang anak

niya at hindi ko siyang magagawang ipagpalit sa iba.

"Sorry to interrupt but, I just need you talk to you." Nagulat ako sa sinabi niya, mahinahon ito, dapat ay

nagagalit na siya sa akin sa nangyari sa amin ng anak niya.

"Can you come over to the house."

Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa gulat, bakit niya ako inaaya sa kanila? Ano naman ang

gagawin ko doon.

"Hindi kami nilalabas ni Anikka, nag-aalala na kami sa kanya. Lagi siyang nagkukulong sa kwarto

niya.Can you talk to her? Baka sakali na umayos siya kapag nakausap mo siya." She doesnt know at

all, dahil kung may alam siya baka kanina pa ako nakatanggap ng masasakit na salita sa kanila.

"Please?" I should go? Hindi ko alam. Baka lumala pa ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

"This is your chance go talk to her." Bulong niya sa kin, he's right we must talk. I should make her

understand, na wala talaga. I'll prove to her, kahit ano pang gawin niya sa akin.

"Ok, tita. I'm going after this." Sabi ko, I'm already done with those, mag-iipon lang ako ng lakas ng

loob na harapin siya.

"Thank you very much hijo" Ani ni Mrs. Fuentes saka umalis. Hindi ko maiwasan na mapangiti. This is

my chance to her, kahit 1 percent chance lang na magkakaayos kami ay panghahawakan ko pa rin

iyon.

"Good luck bro." Ken said while tapping on my shoulder. He looked at me

palakas ng palakas ang kabog ng puso ko habang papalapit sa kwarto niya. Kinakabahan ako sa

mangyayari. Baka ipagtabuyan niya ako, hindi ko na kayang pang marinig iyon. Hindi pa rin ako

nawawalan ng pag-asa na maayos din namin ito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya, She was sleeping. Nakatitig lang ako sa kanya. She looked so

peace parang wala nangyari na kung anuman sa kanya.

Para akong natauhan na may mga bakat pa ng luha niya ang kanyang mukha at halata ang mugto ng

kanyang mga mata. All of these is all my fault. Kahit kapayapa niya pang tignan, halata na naging

miserable siya.

I'm so sorry baby, paiyak na naman kita, sinaktan na naman kita.I'm really sorry baby, I love you so

much.

Sana yun na lang ang maramdaman ang maramdaman ko, kung gaano kita kamahal at hindi yung

sakit na dulot ko sayo o kaya sana kaya ko man pawiin yung sakit na nararamdaman mo. Kahit akuin

ko na lang yung sakit, kahit ako na lang ang magdusa na mag-isa. Basta huwag lang siya

magkaganito. Ayoko siyang makita na nasasaktan. Hindi ko kaya, lalo pa at dahil sa kababayaan ko.

Hinaplos ko yung kanyang mukha, that face is the most beautiful I laid my eyes on. Naalala ko nung

gabi ng pinakilala ako sa kanya, para akong nakakita angel.

Malapit na yung aking mukha ng biglang dumilat ang kanyang mga mata. Bahagya akong lumayo

"Bakit ka nandito?" Halata sa kanya ang gulat, lalapitan ko sana siya at sasabihan na aayusin namin

ito, pero lumayo siya. Para siyang batang takot na takot. Please Anikka, huwag ganito.

"Bakit ka nandito?!" Lumapit ako sa kanya, gusto ko siyang yakapin, gusto ko iparamdam sa kanya na

mahal na mahal ko siya,kahit ano pang mangyari.

"Ayoko sayo! Layo." Aniya habang itinutulak ako.

"Ayoko sayo!" Nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. Please baby dont cry, please dont.

Ayokong makita kang ganyan. Mas lalo akong nainis sa sarili ko, naging pabaya talaga ako. Sana

inayos ko yung kay Eris ng mas maaga para hindi na magkaganito. Ang hirap hirap.Gusto kong

sapakin ang sarili ko. Kasalanan ko talaga ito.

"Please Anikka, mahal na mahal kita. I do love you so much Anikka. Hindi kita ipagpapalit." Sabi ko,

please stop, ayoko nang makita ka pang ganyan. Please believe me kahit konti lang.

"Ayoko sayo! Layo!" Patuloy pa rin siya sa pagtulak sa akin pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa

kanya. Hindi na alintana sa akin ang bawat pagsuntok niya. Basta maiparamdam ko lang sa kanya na

mahal ko siya at magiging maayos pa rin ang lahat

"Please baby, I love you." Doon ay napatigil siya. Please baby feel it. Feel my heartbeat, feel my love

for you. Please, I want to ease all the pain na nararamdaman mo.

Ipinikit ko yung aking mga mata, I really missed my baby, I really missed hugging her. Tila ang tagal

naming hindi nagawa ito. Hindi ko maiwasan na namnamin ang bawat sandali.

Nahulog ako sa sahig ng bigla niya akong itulak, akala ko ayos na.Bakit ganito, hindi niya ba ako

naramdaman? I'll do it again, baka sakaling maramdaman niya muli ang pagmamahal ko sa kanya.

Kahit lakasan pa niya ang suntok sa akin.

Akmang lalapitan ko siya ng bigla niya muli akong sigawan.

"Layuan mo ko Lukas! Lumayas ka! Mamumuhi ako sayo." No baby, please dont, huwag kang mamuhi

sa akin. Aayusin natin ito, together. Mahal na mahal kita hindi ko kaya na mamuhi ka sa akin. Saktan

mo na lang ako, suntukin mo, sasaluhin ko lahat basta huwag mo lang sabihin yan.

"Anikka." Hahawakan ko sana ang kamay niya pero inilayo niya iyon at itinuro sa pintuan.

"Leave!" Madiin niyang sabi

Please dont do this, we'll fix this, we'll fight.Just dont do this, huwag niya akong ipagtabuyan.

"Ayoko sayo!" Muli niyang sigaw. Hindi totoo yang sinasabi mo, babawiin mo yan. Mahal mo ko diba?

Iyon na lang ang bagay na pinanghahawakan ko ngayon.

"Lumayo ka sa akin Lukas! Layo! Ayoko sayo nakakadiri ka."

Hindi ko namalayan na nasa labas na ako ng kwarto niya habang nakatanaw sa sarado niyang

pintuan.

Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Shit! I am crying because of this, in this pain. Ayaw na niya sa

akin, mas pinamukha niya sa akin iyon ngayon. Ang sakit sakit sa dibdib, kada sabi niya sa akin na

ayaw na niya sa akin. Para akong sinasaksak ng paulit ulit, hanggang sa madurog na ako at hindi ko

alam kung kailan pa mabubuo.

She's my life now, It's not complete without her.

Kung kailan nagpakatino na ako, Kung kailan ako natutong magmahal. Yung nagpakalunod ako sa

pagmamahal ko sa kanya. Saka nangyari ito? Hindi ko na alam ang gagawin. Sa akin pa rin siya..

Pero ayaw niya sa akin.

Dammit! It's killing me. Sana pinatay na lang niya ako kaysa ipamukha niya pa sa akin na ayaw na niya

sa akin, na wala na.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.