Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 51: Kamanyakan



HALOS maduling si Gerlie kakatingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor. Naparami na ang kanyang nainum at hindi mahagilap ng kanyang paningin ang manyak na amo. May gumapang na higad dito kanina kung kaya nangati ang lalaki at iniwan siya roon mag-isa.

"Hello, baby, wanna come with me?" mapang-akit na tanong ng lalaki sa kanya. Pang lima na ito na nagyaya sa kanya na maikama siya.

"Bakla ako, iuuwi mo pa rin ba ako?" ang gasgas niyang linya na isinasagot sa bawat lalaking lumalapit sa kanya.

Ngumisi ang lalaki na mas mukhang manyak pa keysa sa kanyang amo. "Mas masarap magpaligaya ang bakla, let's go?" Bahagya pa itong yumukod at inilapit ang mukha sa kanya. "May kasama ako," aniya at itinulak ang mukha nito palayo sa kanya. "Iyon ba?"

Itinuro nito sa kanya ang manyak niyang amo na nakaupo sa isang sulok at may nakakandong na babae. Kaya pala hindi niya mahanap sa gitna ng dance floor at nasa dilim pala na nakapwesto. Mukhang kanina pa siya binabantayan ng lalaking ito at alam kung sino ang kasama niya.

"Mas gusto niya kaulyawan ang babae keysa bakla kaya sa akin ka na lang." Nang-iinsultong turan muli ng lalaki. Kanina pa nito napansin ang mga ito pagpasok pa lang at hindi na niya hiniwalayan ng tingin ang mukhang virgin na bakla Nangangati ang kamay ni Gerlie na sampalin ang kaharap dahil nababastosan siya rito. Pero kailangan niyang magpakahinahon at bukas na ang kanilang flight. Ayaw niya sa kulongan matulog kung sakali man. Kahit nakainum ay malakas ang tolerance niya sa alak, ang kuwatro nga na alak ay hindi siya napapatumba, ang wine pa kaya?

"Ano, tara na?" untag muli ng lalaki sa pananahimik niya.

"Lagukin mo muna ng straight itong limang baso ng alak bago ako sasama sa iyo." Nakangisi niyang hamon sa lalaki. Ayaw na niya tumingin muli sa gawi ng amo na halatang nagpaparaos sa init ng katawan sa pamamagitan ng paglikot ng mga kamay ng mga ito. Ini-enjoy na lamang niya ang presensya ng lalaki keysa mapanis ang laway niya.

Umayos ng upo ang babaeng naka upo sa kandungan ni Khalid. Nag-iinit na siya ng husto dahil sa husay humalik at pumisil ng kamay ng babae.

Mula sa leeg, bumaba ang halik ni Khalid sa punong dibdib ng babae na bahagyang nakalabas dahil v-neck ang suot nitong dress. Malaya niya ring nahaplos ang kasirilinan nito nang maipasok sa laylayan ng suot nito ang kanyang kamay. Lalo siyang ginanahan nang umungol ang babae, malaya nilang nagagawa ang make-out sa kinaupuan nila dahil dim ang ilaw. Hindi na bago ang ganoong senaryo sa ganoong lugar. Hindi lang sila ang gumagawa ng ganito ngayon, ang ilan ay naghahalikan sa gitna mismo ng dance floor habang sumasayaw ng maharot.

"Uhmmm!" muling ungol ng babae nang maramdaman ang kamay ng binata sa kanyang basa ng perlas. Bahagya siyang gumiling habang nakaupo at kiniskis ang sarili sa katigasan ng binata na inuupuan niya ngayon. Napaliyad siya nang hinalikan siya muli nito sa leeg na may kasamang gigil.

Sinapo ni Khalid ang pang-upo ng babae at pinsil iyon habang abala ang isang kamay sa paghimas sa hita nito. Napangisi pa siya nang bumuka ang bibig nito habang nakapikit dahil sa sarap na kanyang pinalalasap dito. Ang kamay nito ay gumapang na rin at dumadama sa kanyang tiyan na natatabingan pa rin ng kasuotan. Nag-iinit na rin siya dahil panay ang kiskis ng sarili nito sa kanyang armas na naninigas na ngayon.novelbin

"Let's get a room!" Malakas na bulong ng babae kay Khalid kasabay ng paghalik sa taenga ng binata.

Tila naman natauhan si Khalid sa narinig sa kaulyawan, biglang naalala na may kasama siya. Iniwas niya ang mukha nang tangkang hulihin muli ng babae ang kanyang labi. Nilingon niya ang baklang kasama. "What the hell?" "Why?" Tanong ng babae at mabilis na bumaba sa kandungan ng binata nang maramdaman na pinaaalis siya roon.

"Sorry but I have to go." Hindi na niya pinansin ang pagmumura ng babae at nagalit dahil nabitin sa kanilang ginagawa. Mabilis siyang humakbang pabalik sa kanilang lamesa kung saan ang kasamang bakla ay may kaharutan nang ibang lalaki.

Tawa ng tawa si Gerlie sa hitsura ng kaharap na lalaki. Duling na ito dahil inubos nga ang alak na pinainum niya. Ang daldal din at magaling mag green joke kung kaya naaliw siyang kausap ito.

"Alam mo ba kung paano bigkasin ang numbers sa salita nila?" tanong muli ng lalaki sa kanya. Naikwento niya kasi dito na amo niya ay intsek.

"Ano?" Hindi pa man alam kung joke pa rin ang sasabihin ng lalaki ay tumatawa na siya. Dala na rin marahil ng alak na nainum kung kaya hindi maampat ang kanyang tawa.

"Hotin', kapag narinig mo ang salitang iyan ay nagbibilang sila."

Huminto siya sa pagtawa at napaisip. "Bilang ba iyon? Hindi ba araw?" balik tanong niya sa lalaki na hindi pa alam ang pangalan hanggang ngayon.

"Pareho na rin iyon, basta oten!" Nabulol na wika ng lalaki kung kaya muling natawa ang dalaga.

"Bakla!" pabulyaw na tawag ni Khalid sa kanyang tutor.

Agad naman napalis ang ngiti sa labi ni Gerlie nang marinig ang boses ng manyak niyang amo, nakasimangot na nilingon niya ito. "Bakit galit ang mokong na ito?" tanong niya sa kanyang sarili nang makita ang hindi maipintang mukha ng binata.

"Baka nabitin sa kalampungan, humanda ka at ikaw ang lalapain niyan." Sagot ng malandi niyang isip. Napatitig tuloy siya sa namumukol na harapan ng binata.

"Gaga, nag-ilusyon ka na namang bakla ka!" sita ng matino niyang isip sa kaniyang malanding imihinasyon.

"I said, let's go!"

"Ay kalabaw na may latigo!" Gulat na naibulalas niya nang muling sumigaw ang binata sa kanyang harapan. Hindi niya namalayan na kanina pa pala ito nagsasalita sa kanyang harapan dahil naging abala siya sa pakipag-usap sa sarili. "Shee-she's mine!" Pasuray na tumayo si Green Boy upang harangan siya sa pagsunod sa kanyang amo. Green boy ang tawag niya rito dahil magaling sa green joke.

"Back off, man," mabalasik na banta ni Khalid sa lalaki.

"Green Boy, sa susunod na lang natin ituloy ang kwentohan ha? Kailangan na namin umuwi ni Bossing." Diniinan pa niya ang huling sinambit upang tumigil na ito at hayaan na siyang makaalis.

"Iyan ba bossh... mo?" parang tunog sawa na kung magsalita ang lalaki. Pilit na iminumulat ang mga mata upang matitigan mabuti si Khalid.

Pigil ni Gerlie ang sarili na matawa sa mukha ngayon ng kausap na lalaki. Mas nagmukhang intsek na ito dahil nanliliit ang mga mata at pati dila ay pilipit na kung magsalita.

"Let's go before I beat him up to a pulp!" Hinatak na ni Khalid ang kamay ng bakla palayo sa lalaking lasing.

"Aray! Dahan-dahan naman, Sir Khalid!" Reklamo niya nang muntik na siyang matalisod dahil ang bilis nito maglakad. Hindi na humabol ang lalaki sa kanila dahil hindi na makalakad ng tuwid. "Shut up!" angil niya sa dalaga. Kahit papaano ay naintindihan nito kung ano ang sinabi ng dalaga.

Walang nagsasalita kahit isa sa kanila nang nasa loob na sila ng sasakyan. Sobrang haba ng traffic kung kaya mabagal ang usad ng sasakyan.

"Makatulog na nga lang!" nagdadabog na bulong ni Girlie sa kanyang isipan. Humikab pa siya ng malakas upang ipaalam sa kanyang kasamang seryoso ang mukha habang nagmamaneho na inaantok siya.

Hinayaan lang ni Khalid ang bakla na matulog. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng galit nang makita ito kanina na masayang nakipag-usap sa lalaki. Ang malala pa ay biglang nawalan siya ng gana na ituloy ang nasimulang pakipag make-out kanina sa babae na nakilala sa club. Tuwing mapatigil ang sasakyan dahil sa traffic, napapalingon siya sa bakla at napapatitig sa mukha nito at katawan. Ayaw man niyang aminin pero nanghihinayang siya na isa itong bakla. "Wake up!" May kasamang tampal sa mukha na gising niya sa bakla nang makarating na sila sa gusaling tinutuloyan.

"Hmmm!" Tanging sagot ng dalaga at sumiksik sa isang tabi dahil nakaramdam ng lamig mula sa aircon ng sasakyan.

Napapailing na tinitigan muli ni Khalid ang mukha ng bakla. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito at yakap ang sarili habang natutulog. "Bakla gising!" anito gamit ang lenguwaheng tagalog. "Istorbo naman ito sa tulog," reklamo ni Gerlie sa inaantok pang diwa. "Aray!" Sapo ang ulo na naumpog sa bubong dahil balak niyang tumayo sana. Nakalimutan na nasa sasakyan pala siya. "So stupid!" Palatak na ani ni Khalid, iniwan na niya ito at nagmamadaling umuna sa pagpasok sa building. Bigla siyang naalarma sa sariling damdamin dahil sa kakaibang nararamdaman sa bakla. "What happened?" tanong agad ni Troy kay Gerlie nang makapasok ito sa loob. Hindi niya makausap ang kaibigan na dumiritso na ng pasok sa loob ng silid nito. Ang bakla naman ay nakasimangot na pumasok sa sala at sapo ang ulo na mukhang nasasaktan.

"He's crazy," ani Gerlie at padabog na umupo sa sofa. Kinuwento niya kay Troy ang nangyari at tumawa lamang ito. Sinabi pa na nagselos umano ang kaibigan kung kaya maging siya ay natawa sa inakalang biro ng binata. "Stop talking nonsense, Dude!" Pasigaw na sita ni Khalid kay Troy mula sa silid nito nang marinig ang tawa ng bakla na tila mahinhing babae ang tinig ngayon. Alam niya na ito ang kausap ngayon ng bakla dahil tulog na si Xander. "See? I told you, he was jealous!" Pabulong na ani Troy kasabay ng pagkindat kay Gerlie.

Nakaalis na si Troy sa harap niya ay nanatili pa rin siyang nakatayo kung saan siya iniwan ng binata. Nakanganga na nakatingin sa silid kung saan pumasok si Troy. "Seryoso siya?" ang naitanong niya sa kawalan at ikinurap ng mariin ang mga mata ng dalawang beses.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.