Iris Luna

CHAPTER 8



***

Nang dahil sa nangyari sa palasyo ay ninais ko muna na umalis doon at magpasama kay Diana sa pamilihan dahil nakakasulasok ang hangin sa kwarto ko. Ayoko naman na tumambay sa palasyo at baka maabutan pa ako roon ng bruhang bagong Reyna.

Oo, bruha! Dahil unang kita ko pa lang sa kaniya ay may naaamoy na akong baho sa loob-loob niya. Feeling ko talaga nilason niya ang utak ng tatay ko eh!

"Princess? Maaari bang iwanan muna kita rito? May nakalimutan akong bilhin na rekados na ipinag-utos ng bagong Reyna." Napa-ikot ang mga mata ko nang marinig ang 'bagong Reyna'. Hanggang dito ba naman? May pinapautos pa rin siya at sa handmaiden ko pa?

"Hays! Sige, mag-iingat ka Diana ah? Dito lang ako." Napatango siya at dali-daling tumakbo papunta sa pamilihan ng mga pagkain.

Napapikit ako dahil sa tumamang sinag ng araw sa aking mukha.

Λ_Λ

Hays! Fresh na fresh talaga sa panahon ngayon.Original from NôvelDrama.Org.

Napakaganda ng araw sa balat at hindi nakakasunog.

0-0

"AAAAAA!" Napasigaw ako nang muntik na akong matumba nang dahil sa mabilis na pagbunggo sa akin ng isang lalaki.

>_<

Tsk! Nagmamadali kasi si kuya eee!

"Patawad, binibini." Napamulat ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay na nakahawak sa braso ko.

Bigla niyang binitawan ang aking braso.

"Aaah! Hehe, ayos lang 'yon kuya!" Nginitian ko siya at kinawayan kahit na nasa harapan ko lang siya.

Kung tutuusin ay halos magkasing-edad lang kami pero kung susuriin mo ng mabuti ang kaniyang mukha ay makikita mong mas matanda siya sa akin ng konti. Gwapo rin hehe!

Pero mas gwapo si Prinsipe West.

Hehehehehe!

Λ_Λ

Pis, yow!

"So, anong pangalan mo kuya?" Mukhang nagulat siya nang itanong ko iyon.

Pero agad din siyang ngumiti.

"Ako si Facio, binibini." Ako naman ang nagulat nang malaman ang pangalan niya.

Facio? The founder of the secret organization of Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan?

Also known as KKK.

"Kailangan ko ng umalis, binibini. Marami pa akong gagawin." Namamangha ko siyang tinitignan habang nakangiti siya sa akin. Omg!

Ang daming mga handsome fafa's dito ah!

"Mahal na prinsesa!"

Pawis na pawis si Diana na huminto sa harapan ko. Ang dami niyang dala na mga rekados. Napasimangot na lang tuloy ulit ako.

"Tara na, uwi na tayo." Ani ko at maglalakad na sana papunta sa karwahe ngunit pinigilan niya ako.

"Mahal na prinsesa, nandito si Prinsipe West." Nanlaki ang mga mata ko.

"H-Ha? Oh eh ano naman kung nandito siya? Hinahanap niya ba ako?" Tulala kong tanong nang maalala ang huling tagpo namin. Napahawak pa ako sa aking pisngi. Pero agad din naman napasimangot nang maalalang hindi siya tumupad sa kaniyang usapan.

Ang sabi niya kasi sa akin noong nakaraang araw ay dadalawin niya ako kahapon 'di ba? Pero hindi naman siya dumalaw.

Naghintay kaya ako sa kan'ya!

Hmp! Tapos ngayon hahabulin niya ako?

Bahala siya d'yan!

Mamulok siya kakahintay sa akin!

"Tara na Diana, hayaan mo na ang iresponsableng prinsipeng iyon. Gusto ko ng umuwi!" Ani ko at naglakad papuntang karwahe.

Ngunit papasok na sana ako ng karwahe namin nang may biglang dumaan na magarang karwahe sa harapan at lulan niyon si Prinsipe West.

Ngunit...

May kasama siyang babae na nakaupo sa tabi niya at nakahawak pa sa kaniyang mga braso. Sa harapan naman nila ay ang matandang lalaki na mukhang Hari. Sino ang babaeng 'yon?

Napatingin na lang ako sa kawalan nang lumampas na ang karwaheng sinasakyan nila. Napatingin ako kay Diana at nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Gusto ko sanang sabihin sa iyo ang nakita mo ngayon-ngayon lang, Princess. Dahil narinig ko rin ang pag-uusap niyo ng mahal na Prinsipe sa lamay ng iyong ina. Alam kong unti-unti ka ng napapalapit sa Prinsipe at ang babaeng kasama ng Mahal na Hari at Prinsipe ng Bridgette Silvers ay si Prinsesa Liezey ng Graziel Kingdom."

Unti-unti kong naiintindihan ang sinasabi ni Diana. Hindi ko alam kung ano 'tong sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Kaya ba siya hindi nakadalaw sa akin ay dahil doon sa babaeng iyon?

Sabi niya seryoso siya.

Pero bakit naman ganito?

Nanghihina akong sumakay sa karwahe namin at malungkot na tinignan ang dinaanan ng Prinsipe at ng babaeng kasama niya.

***


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.