Chapter 2
Chapter 2
“KUNG HINDI ko lang talaga kailangan ng urgent reliever ni Denise-“
“Ang problema… kailangan mo.” Maagap na sinabi ni Katerina matapos basahin ni Brett ang kanyang
ipinasang bio data pati na ang iba pang mga requirements na kailangan sa pag-a-apply niya bilang
temporary pianist sa pagmamay-ari nito at ng kaibigan nitong si Luis na restaurant. Sa pagkakaalam
niya, naka-leave ang lalaki dahil kasalukuyang nasa Hawaii para sa honeymoon nito at ng asawa.
“Kailangan mo ako.”
Sumandal si Brett sa swivel chair nito at matamang tumitig sa kanya. “Aren’t we being too arrogant
here, Ms. Alvarez? Ang restaurant ang may kailangan sa ’yo at ang piano na nasa labas at naghihintay
na sa ’yo.” Mayamaya ay inilapit nito ang swivel chair mesa nito pagkatapos ay dumukwang sa kanya.
“So Miss Supermodel, pwede ka na bang magsimula mamayang gabi?”
Bigla, pakiramdam ni Katerina ay mabibingi siya sa malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Kahit
may nakapagitan sa kanilang malapad na lamesa, pakiramdam niya pa rin ay biglang uminit sa paligid.
Sa ilang distansya na lang na layo ng mukha ni Brett sa kanya ay langhap na langhap niya ang
mabangong hininga nito. Napahugot siya ng malalim na hininga saka pasimpleng lumayo rito. Isinandal
niya ang natensiyon na katawan sa back rest ng kanyang silya.
Sa dami ng mga lugar na napuntahan ni Katerina, marami na siyang nakilalang naggagwapuhang mga
lalaki na ang ilan ay nagtangkang ligawan siya na lahat ay binasted niya. Dahil wala siyang
maramdamang bugso ng damdamin na isa sa mga qualification niya sa pagpili ng magiging kasama sa
buhay.
Pero ang lalaking kaharap niya ay kakaiba. Parang may magneto sa pagkatao nitong humahatak sa
kanya palapit rito sa muli nilang pagkikita. He stirred a strange emotion in her that she had never felt
before. He made her desire to unfold the mystery behind his ogre facade.
“Pwedeng-pwede… Shrek.” Sagot ni Katerina nang sa wakas ay makahuma. Nang si Brett naman ang
matigilan ay ngumisi siya. “Brett, Shrek, rhyme naman. Okay na ‘yon.”
Naningkit ang mga mata nito. “Let me make this clear, Ms. Alvarez. Wala akong pakialam kung sikat
ka. Habang nandito ka sa restaurant na ito, empleyada lang kita. Kaya matuto kang gumalang.”
You will be fine, Brett. I promise you that. Imbes ay bulong ng puso niya. Matagal na tinitigan niya ang
gwapong mukha nito bago siya dahan-dahang tumango. There were many things she wished she
could tell him. She wanted to reach out to him just like what he did to her in the past.
If he was Shrek, she would gladly be his donkey. But a donkey should know its limitations. She sighed.
Tumayo na siya. “I guess I’ll just see you later… Sir Brett.”
Tahimik na tinahak na ni Katerina ang daan patungo sa pinto. Palabas na sana siya ng opisina nito
nang humabol pa ito ng salita. “And Ms. Alvarez?”
Nagtatakang nilingon niya ito. “Sir?”
“Never ever miss a good chance to shut up.” Napaawang ang mga labi niya sa pagkapahiya. “That’s
all. Makakaalis ka na.”
Sunod-sunod siyang napabuga nang malalalim na hininga para kalmahin ang sarili bago siya malakas
na tumikhim para agawin ang atensiyon ni Brett nang bumalik na ito mula sa pagbabasa ng mga
reports sa mga naroong folder sa mesa nito. “Sir?” © NôvelDrama.Org - All rights reserved.
“Yes?” Hindi tumitingin sa kanyang sagot nito. “Anything else, Ms. Alvarez?”
Pinilit niyang ngumiti. “Tumigil kayo sa pananakit ng feelings ng iba dahil baka makasanayan nyo ‘yan,
Sir.”
“KUNG nahanap mo na siya, ano pang problema?”
Mula sa pagkakatitig sa rosary ay tumuon ang mga mata ni Katerina sa bagong dating na si Elaine na
naupo sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa orphanage nang mga sandaling iyon at nakasandal sa
ilalim ng puno ng narra. Katatapos lang niyang makipaglaro sa mga bata roon. Doon niya
napagpasyahang tumuloy bago siya bumalik sa restaurant para tumugtog.
Pinilit niyang ngumiti kay Elaine na halos labing limang taon ang tanda sa kanya. Ito ang nagsilbing
nakatatandang kapatid niya sa nakalipas na mga taon. Isang linggo lang itong mananatili sa bansa
pagkatapos ay babalik na sa Indonesia dahil naroroon ang mga kasamahan niya sa trabaho na mina-
manage rin nito. Sumama lang so Elaine sa kanya dahil gusto rin daw nitong magbakasyon kahit ilang
araw lang.
Elaine was a vagabond just like her. Lakbay rin ito nang lakbay dahil wala na rin itong mauuwian.
Parehong binawian ng buhay sa isang plane crash ang mga magulang nito. Nag-iisang anak lang ito.
Madalas nitong sinasabing ayaw nitong magkaroon ng pamilya pero kilala ni Katerina ang kaibigan
dahil katulad niya rin ito, naghihintay lang ng rason para finally ay mag-stay sa isang lugar… para
tumigil na sa paglalakbay.
“Paano mo naman nasabing may problema ako?”
“Nah, I’ve known you for years, Kate.” amused pang natawa ito. “Tumitingin ka lang sa rosary mo
kapag nalulungkot ka o namomroblema ka. Anong nangyari? Hindi ka na ba naaalala ni Brett?”
Habang nasa ibang bansa siya at busy sa pagtatrabaho, nakiusap siya kay Elaine na alamin ang mga
pangunahing impormasyon tungkol kay Brett. Kaya dito niya nalaman na single pa rin ito at part owner
ng anim na restaurants sa Manila. Weekly ay iba’t ibang putahe ang inihahain ng Buddies’ mula foreign
delicacies hanggang sa local na mga pagkain.
Para na ring nakilala ni Elaine si Brett dahil sa mga kwento niyang paulit-ulit na. Palagi niyang
kinukwento ang lalaki sa bawat taong nagiging malapit sa kanya. Dahil gusto niyang paulit-ulit na
maalalang may pag-asa. Dahil dito, natutunan niya na palaging may lilitaw na bahaghari matapos ang
isang malakas na pag-ulan.
“Nagbago na siya, Elaine.” Isinalaysay ni Katerina sa kaibigan ang mga nangyari mula nang muli silang
magkita ni Brett. “At gusto ko siyang tulungan.”
“How can you help a broken man if you are broken yourself?” Nang makita ni Elaine ang pagrehistro ng
pagkasorpresa sa anyo ni Katerina, malakas itong bumuntong-hininga. “Come on, Kate. Alam ko
namang dinadaya mo lang kami. You can’t always pretend you’re happy. Alam kong deep inside,
nasasaktan ka pa rin dahil hindi mo pa rin mahanap ang pinagmulan mo.”
Ilang sandaling natigilan si Katerina bago sumandal sa balikat ng kaibigan. Ipinikit niya ang kanyang
mga mata. Muli siyang nakaramdam ng matinding pagod na pilit niyang pinagtatakpan sa nakalipas na
mga taon. “Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, matutulungan ko lang nang tuluyan ang sarili ko kapag
natulungan ko na siya. In this twisted world, I felt like he and I were two lost souls… destined to find
each other.”
NAPALUNOK si Brett habang pinagmamasdan ang nakakaenganyong pagtugtog ni Katerina nang
gabing iyon. Sa simpleng bulaklaking bestida, para itong anghel na hinaharana ang mga customer. Sa
naisip ay inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Walang mga mata ang hindi nakatutok sa
gitna ng maliit na stage nang gabing iyon.
And Brett should be celebrating. But looking at the admiration visible in the men’s eyes for Katerina
made him uncomfortable for some reason. Heck.
Nalilito sa sariling damdamin na akmang tatalikod na lang siya at papasok sa kanyang opisina nang
mapreno siya nang marinig ang biglang pagkanta ni Katerina.
“Teach me to love,
Teach me to live,
Teach me to remember…”
Marahas na napalingon siya sa dalaga. Deretso ang mga mata nitong nakatitig sa kanya nang mga
sandaling iyon. Malamyos ang tinig nito at malinaw ang pagkakaawit kaya hindi niya maintindihan kung
saan nanggaling ang tensiyon na bigla niyang naramdaman.
“Teach me to hope,
Teach me again
Show me the ways of your world,
My Shang-rila boy…”
Hope, love and life. Tatlong mga bagay na nakalimutan niya na. Ilang saglit siyang nanatili lang na
nakatulala kay Katerina bago sa wakas ay rumehistro sa kanyang isip ang lyrics ng kinakanta nito,
kanta na ngayon ay wala nang dudang parunggit nito sa kanya na doon nito idinaan.
Kumuyom ang kanyang mga kamay Hindi alam ni Katerina ang pinagdaanan niya. Sinenyasan niya
itong tumigil na muna at lumapit sa kanya pero hindi ito nakinig. Sa halip ay nagpatuloy pa rin ito at
nanatili lang na nakatitig sa kanya. Damn it, Katerina!
Nanggagalaiti na si Brett na ang mismong naglihis ng tingin. Because for the first time after thirteen
long years, he felt scared no matter how much he hated to admit it. Because when she looked at him,
he felt like she could see all of him, his fears, his pain, his soul and his… heart.
Madilim ang anyong pumasok na si Brett sa kanyang opisina. Sumandal siya sa kanyang swivel chair
at mariing ipinikit ang mga mata. Despite of all the foreign emotions he was having at the moment, he
still wouldn’t simply let a stubborn woman like Katerina Alvarez stand in the way of his peaceful world.
“SHREK ALERT! Shrek alert!”
Nabulunan si Katerina matapos niyang marinig ang may kalakasang annoucement na iyon ni Margie
nang humahangos itong pumasok sa kusina kung saan kasalukuyan siyang kumakain kasabay ang
ilan sa mga waitress. Sa counter ito nakatoka pero itinalaga nito ang sarili bilang tagabantay at
tagasenyas sa kanila sa tuwing lumalabas ng opisina nito si Brett at nagroronda sa kabuuan ng
restaurant.
Mabilis na na-adapt ng mga ito ang pagtawag niya ng Shrek sa Boss nila. Napangiti na lang siya sa
naisip.
Pangalawang araw niya pa lang sa Buddies pero madali niya nang nakapalagayan ng loob ang mga
kasamahan. Kahit kadalasang maloloko ay mababait rin naman ang mga ito. Ang ilan sa mga ito ay
nakatuntong ng kolehiyo habang ang iba naman ay nakatapos ng pag-aaral at pinalad na makapasok
sa eleganteng restaurant na iyon.
Mayamaya ay naglaho ang ngiti sa mga labi ni Katerina sa sumunod na ibinalita ni Margie. “Nakababa
na siya mula sa second floor. At papunta na siya dito sa kusina.”
Nabigla siya nang sa isang iglap ay nagtayuan ang mga kasabayan niyang kumain. Mabilis na
nagpaalam ang mga ito sa kanya patungo sa kanya-kanyang destinasyon. Pati si Margie ay naglaho
na rin.
Napahugot siya nang malalim na hininga. Alam niyang siya lang naman talaga ang pakay ni Brett dahil
sa ginawa niyang pagsuway rito noong nagdaang gabi. Bukod sa sinadya niya pang agad na umuwi
pagka-log out para hindi na muna makatikim pa ng salita nito. Pero ngayon ay wala na siyang takas.
Pero hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Nang makita niyang papatalikod na si Brett noong
nakaraang gabi ay hindi niya napigilan ang sariling lapatan na ng kanta ang pagtugtog. Hoping that he
would somehow remember the things he had forgotten.
“Kalmahin mo ang sarili mo, Kate.” Aniya sa sarili matapos niyang uminom ng isang basong tubig. “The
ogre is fast approaching in three, two-“
“Miss Alvarez!”
“One.” Nakakagat-labing humarap siya sa bagong dating na si Brett na ngayon ay nakasandal na sa
hamba ng pinto ng kusina. “Hello, Shrek. I mean, Sir Brett.”