Kabanata 61
Kabanata 61
Kailangan niyang manatiling buhay hanggang dumating ang araw ng pagbagsak ni Meredith!
Hindi matagumpay na nakaalis ng Glendale si Madeline. Paminsan-minsan ay dinadala pa rin siya ni
Jeremy sa Whitman Manor.
Gustong-gusto ni Old Master Whitman si Madeline at napaka bait niya sa kanya. Tinapik pa nga niya
ang balik at ni Madeline at sinabing, "Pamilyar ang batang ito. Tingin mo ba maglolo tayo sa nakaraang
buhay natin?"
Yung totoo, hindi lang ang old master ang nakakaramdam nito, maging si Madeline ay ganun din ang
nararamdaman.
Magmula noong una niyang makita ang old master, pakiramdam ni Madeline na nagkita na sila dati.
Sa tuwing pupunta si Madeline sa Whitman Manor, maliban sa nagpapanggap si Jeremy na malambing
at mapagmahal sa kanya, ang lahat ay masama ang tingin sa kanya. Lalong-lalo na si Meredith.
Noong una, nagagawa niyang saktan si Madeline at kunin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman,
ngunit ngayon, hindi sila makalagpas kay Old Master Whitman. Lubhang napakahirap na ngayong
makuha ng posisyon bilang Mrs. Whitman.
Kinahapunan ng Lunes, naghahanap si Madeline ng trabaho. Bigla siyang nakatanggap ng tawag mula
kay Jeremy. Sinabi ni Jeremy na gusto niyang sumama si Madeline sa pagpunta niya sa Whitman
Manor ngayong gabi.
Bago pa siya makatanggi, nagsalita si Jeremy. "Busy ako ngayon, kaya hindi kita masusundo.
Pumunta ka na lang dun, pero bago ka pumunta, huwag mong kalimutan na bumili ng paboritong
muffins ni Lolo."
Pagkatapos niyang makasama ang old master, alam din ni Madeline na mahilig siya sa muffins, lalo na
ang mga muffins mula sa isang tindahan sa Cypress Road. Bumibili si Jeremy doon sa tuwing
napapadaan siya sa tindahan na iyon.
Nag-ayos ng gamit si Madeline at sumakay ng tren papunta sa Cypress Road.
Noong paalis na siya pagkatapos niyang bumili ng muffins, nagulat siya nang makita niya ang isang
pamilyar na mukha.
Nakita niya ang anak ni Meredith at Jeremy, si Jackson Whitman.
Tumingin sa paligid si Madeline at hindi niya nakita si Meredith. Sa kabilang banda, lumilingon-lingon si
Jackson sa paligid na para bang may hinahanap siya.
'Naliligaw ba siya?' ang naisip ni Madeline. Nakita ni Madeline na pinagtitinginan ng mga dumadaan si Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.
Jackson. May ilan pa ngang lumapit para kausapin ang bata.
Dalawang taong gulang pa lang si Jackson at hindi pa siya gaanong nakakapagsalita, kaya paano
naman niya sasabihin sa ibang tao ang mga nasa isip niya?
Noong makita niya ang isang lalaki na mukhang hudlum na palapit kay Jackson, nagmadaling tumakbo
si Madeline palapit kay Jackson.
"Jack!" ang sigaw niya at agad na lumingon si Jackson.
Ilang beses na niyang nakita si Madeline noon, kaya naman nakilala agad ni Jackson si Madeline.
Tinawag siya ni Jackson, "Maddie."
Noong makita ng lalaki na kilala ni Jackson si Madeline, galit na galit siyang naglakad palayo.
"Jack, bakit ka nandito? Wala ka bang kasama?"
"Mommy…" tumingin ang bata kay Madeline at tinawag ang kanyang Ina.
Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline.
Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging nanay noon, pero hindi na siya muling magkakaroon
ng pagkakataon.
Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jackson at sinamahang magintay ang bata. Lumipas ang
sampung minuto, ngunit wala pa ring sumusundo sa bata. Tinawagan niya si Jeremy, ngunit walang
sumagot sa kanyang tawag. Naalala niya na sinabi ni Jeremy na 'busy' siya, kaya tumigil na siya sa
pagtawag kay Jeremy.
Naalala niya na pupunta rin naman siya sa Whitman Manor ngayong gabi, kaya isasama na lang niya
si Jackson pagpunta niya doon. Sa sandaling iyon, dumaan ang isang taxi at isinakay ni Madeline si
Jackson sa sasakyan.
Habang tinitingnan niya ang batang katabi niya, napaisip si Madeline.
Anak ito ni Meredith. Bakit hindi niya magawang gawan ng masama ang bata na ito gaya ng ginawa ni
Meredith sa anak niya? Bakit hindi na lang niya iniwan si Jackson at pabayaang makidnap sa
lansangan?
Tama, hindi niya kayang gawin yun. Bukod sa hindi niya kayang gawin yun, naisip din niya na cute at
mabait ang batang ito.
Siguro ay napagod siya, kaya ipinikit sandali ni Madeline ang kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang
sandali, may gumising sa kanya. Idinilat ni Madeline ang kanyang mga mata at nakita niya si Meredith
na umiiyak habang hawak ang kanyang mga balikat.
"Maddie, sabihin mo! Nasaan si Jack? Please ibalik mo ang anak ko! Please!"