Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 34



Kabanata 34

Nakatayo si Madeline sa gitna ng ulan. Napakadilim ng kanyang paligid.

Napakalaking halaga ng sampung milyon para sa kanya.

Sa kabila ng pagiging madam ng pinakamayamang pamilya sa Glendale, wala siyang napalang

maganda sa posisyon niya. Sa halip, bugbogsarado siya at pagod na pagod.

Hindi nagtangkang tumawag sa mga pulis si Madeline dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Len.

Wala siyang ibang pagpipilian. Si Jeremy lang ang mahihingan niya ng tulong.

Subalit, maaaring binlock ni Jeremy ang number niya dahil hindi niya ito matawagan kahit na ilang

beses niyang sinubukan.

Naisip niya na baka pinahihirapan na ng kidnapper ang lolo niya ngayon. Dahil dito, bumalik siya sa

Crawford Manor.

Inangat niya ang kanyang kanang kamay at naalala niya kung paano tinapaktapakan ni Jon ang kamay

niya. Dahil dito, nawalan ng pwersa ang kanyang kamay.

Kumatok sa pinto si Madeline gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pagkalipas ng ilang sandali, may

nagbukas na ng pinto, Ngunit, bago pa man siya makapagsalita, may nagsaboy sa kanya ng tubig.

"Alis! Huwag mong dumihan ang pinto ko! Kung alam ko lang na sasaktan mo si Mer, hindi sana ako

pumayag na ampunin ka!" Bitbit ni Rose ang isang timba at galit na galit na sinigawan si Madeline.

Pagkatapos niyang sigawan si Madeline, dinuraan niya ito at isinara ng malakas ang pinto.

Suminghal si Madeline. "Tingnan mo nga naman."

Ginamit nila ang bone marrow niya para iligtas ang buhay ng sakiting si Meredith noon. Subalit, hindi

niya inasahan na ganito ang igaganti nila sa kanya.

Kinagat ni Madeline ang kanyang labi at naglakad papunta sa bintana ni Meredith. Pagkatapos, sumilip

siya sa bintana.

Halos hindi maidilat ni Madeline ang kanyang mga mata habang bumubuhos ang ulan.

"Jeremy, sana matulungan mo ako alang-alang sa relasyon natin!" Nagmakaawa siya sa bintana ni Upstodatee from Novel(D)ra/m/a.O(r)g

Meredith. "May sakit ang lolo ko at may kumuha sa kanya. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya!

Jeremy, nagmamakaawa ako sayo!"

Tumingala si Madeline at tumingin ng diretso sa bintana. Subalit, pagkalipas ng mahabang oras, hindi

sumagot si Jeremy.

Nanlumo si Madeline. Paalis na sana siya nang biglang bumukas ang pinto.

Nagulat si Madeline. Agad siyang lumapit sa pinto. "Jeremy…"

"Ayaw kang makita ni Jeremy. Naliligo siya sa kwarto ko ngayon." Bumungad sa kanya ang pangit at

napakasamang ngisi ni Meredith.

Agad na nawala ang Saya sa mukha ni Madeline. Masama ang loob niya. Ngunit, hindi niya

nakalimutan ang dahilan ng pagpunta niya dito. "Meredith, nakasalalay dito ang buhay ng lolo ko.

Kailangan kong makausap si Jeremy."

"Sabi ni Jeremy ayaw niyang madumihan ang mga mata niya dahil sa isang maruming babae na gaya

mo. Mula ngayon, gabi-gabi na kaming magkasama." Nginitian ni Meredith ang basang-basa at

namumutlang si Madeline. "Alam mo na ba ngayon kung anong mangyayari sayo kapag nakipag

kompetensya ka sakin? Binalaan na kita. Huwag mo 'kong kalabanin!"

Biglang may napagtanto si Madeline pagkatapos niyang tingnan ang mga mata ni Meredith. "Meredith!

May inutusan ka para dukutin ang lolo ko!"

Ngumiti si Meredith. "May inutusan lang ako para ibili ng tsaa yung matandang yun."

"Meredith, p*ta ka! Ako na lang ang saktan mo! Bakit pati ang lolo ko dinamay mo pa?"

Hindi na mapigilan ni Madeline ang galit niya. Hinablot niya si Meredith at pinagsasampal ang

pagmumukha nito.

“Ah!”

Humiyaw sa sakit si Meredith. Lalong namaga ang namumula niyang mukha.

"Madeline, p*ta ka! Bitawan mo 'ko! Jeremy, tulungan mo 'ko!" Ang natatarantang sigaw ni Meredith.

Subalit, hindi tumigil si Madeline.

Inilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya dahil kay Meredith sa pagkakataong ito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.