Kabanata 21
Kabanata 21
Labis ang takot na naramdaman ni Jeremy. Naramdaman niya na parang may isang tinik na tinutusok
ang kanyang puso. Agad niyang binuhat si Madeline ng walang alinlangan.
Nang makita ito ni Meredith mula sa isang tabi, agad siyang humarang para pigilan si Jeremy. “Jeremy,
saan mo dadalhin si Maddie?”
Ngunit, hindi siya pinansin ni Jeremy at agad agad na nagtungo sa Hospital habang buhat-buhat si
Madeline.
Habang nagtutungo sa ospital, puno ang kanyang isipan ng alaala ng sandali na unang niyang
makilala ang batang babae noong bata siya. Napakaselan ng mga sandaling iyon ngunit
napakatahimik. Patuloy niya itong iniisip.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tila nakalimutan niya na dapat ay kinamumuhian niya si Madeline
at agad agad na dinala siya sa ER.
Sinabi sa kanya ni Madeline na buntis siya at siya ang ama. Subalit ngayon ang dugo ni Madeline ay
nasa katawan niya.
Pakiramdam ni Jeremy na sinasakal siya ng isang bagay na hindi niya maintindihan. Ito ang unang
pagkakataon na pinalangin niya na maging maayos ang kalagayan ni Madeline.
Hindi siya mapakali at nagpalakad-lakad habang naghihintay. Dama ni Jeremy ang pagkabalisa.
Sa mga sandaling iyon, isang nurse ang lumabas. Pinigal siya ni Jeremy at itinanong, “Anong
nangyayari? Anong problema sa asawa ko?”
Tinignan ng nurse si Jeremy. Rinig ang galit sa kanyang tono habang sinasabi, “Kakaiba ka bilang
isang asawa. Nagdadalang tao ang asawa mo, at nagawa niya parin na magbabad sa ulan. At saka,
puno ng sugat ang kanyang buong katawan. Nilalagnat siya at nagdudugo ang kanyang ari. Diyos
nalang ang makakapagsabi kung maliligtas pa ang bata.”
Pakarimdam ni Jeremy na hindi siya makahinga. Dahil dito, wala siyang ibang naiisip. Isang bagay
lang ang kanyang nasa isipan; iyon ay maligtas si Madeline kahit anong mangyari.
Pagkalipas ng ilang oras, bumukas ang pintuan ng operating room.
Nagmadali si Jeremy na nagtungo sa higaan at nakita niyang walang malay si Madeline. Pagkatapos
makita ang maputlang mukha ni Madeline, nakaramdam ng sakit si Jeremy sa kanyang puso.
Hindi niya mapigilan na hawakan ang malamig na kamay ni Madeline habang kita ang pag-aalala sa
kanyang mga mata.
‘Madeline, sabihin mo nga sakin. Bakit mo ako tinawag na Jez? Bakit mo alam ang pangako ko kay
Linnie noong bata pa ako?’
Idinala si Madeline sa VIP room kung saan patuloy siyang natutulog. Naramdaman niya na tila may
nakahawak sa kanyang kamay dahil sa init na dumaloy sa kanyang balat. Tila nawawala na ang lamig
sa kanyang katawan.
Nang magising Madeline, kinabukasan na. Nang sinubukan niyang gumalaw, napansin niya na may
nakahawak ng mahigpit sa kanyang kamay.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Jeremy sa gilid ng higaan. Hawak ni Jeremy ng mahigpit
ang kanyang mga kamay. Napakainit ng kanyang mga kamay.
Napatulala si Madeline at hindi mapakaniwala sa mga nangyari. Tila para bang nanaginip lang siya.
Minulat ni Jeremy ang kanyang mga mata sa sandaling maramdaman ang konting paggalaw.
Nang makita niyang nakatulala si Madeline, hinawakan niya ang noo ni Madeliine. Nilalagnat siya
kinagabihan lang, ngunit wala na ito ngayon.
Hindi mapakaniwala si Madeline sa malimbing na kinikilos ni Jeremy. “Jeremy...” Sabi ni Madeline.
Malat ang kanyang boses, at sumasakit ang kanyang lalamunan.
“Wag mo na subukan magsalita. Kukunan kita ng maligamgam na baso ng tubig.”
“Jeremy...” namula ang mga mata ni Madeline, at pakiramdam niya na tila gumaling na ang lahat ng
kanyang mga sugat.
Tinulungan siya ni Jeremy na makaupo para makainom ng tubig.
Hindi niya tinanong si Madeline kung ano ang nangyari noong kabataan nila nang makita na
nanghihina pa si Madeline.
Sumandal si Madeline sa dibdib ni Jeremy. Sa mga sandaling iyon, hindi kapani-paniwala ang banayad
kinikilos ni Jeremy.
“Jeremy, bakit mo...”
“Kelan ka nag dalang-tao? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Banayad ang tono ni Jeremy. Ito ang unang
pagkakataon na kinausap ng ganito si Madeline.
Napatunganga si Madeline habang hawak ang baso ng tubig. Labis niya pang naalala ang sinabi sa
kanya ni Jeremy. Têxt © NôvelDrama.Org.
Nang makita ni Jeremy na nakatunganga si Madeline, hindi na siya nagsalita pa.
“Magpahinga ka na muna. Sabihin mo nalang sakin kapag maayos na ang pakiramdam mo.”
Pagkatapos ay dahan-dahan niyang tinulungan na ihiga si Madeline.
Napaluha si Madeline. Nakaramdam din siya ng konting kasiyahan.
Naalala ba ni Jeremy ang kanyang pangako dahil tinawag niya si Jeremy bilang Jez bago siya
mawalan ng malay? O dahil nagsisisi na siya ngayon dahil muntik na siyang makunan?
Alin man ang rason, masaya si Madeline.
Nagagawa na siyang tignan ni Jeremy ngayon.
Ninais ni Jeremy na manatili sa tabi ni Madeline ng ilang saglit pa. Ngunit, umalis din siya pagkatapos
makita na may ilang tawag siyang natanggap mula sa kanyang kumpanya. Nang pasakay na siya ng
elevator, narinig niya ang boses ni Meredith sa bilang dulo ng pasilya.
“Dok, totoo ba ‘yun?” Tila di makapaniwala si Meredith. “Pakiusap ‘wag mo sasabihin ‘to sa asawa ni
Maddie!”