Kabanata 16
Kabanata 16
Natapos panoorin ni Jeremy ang video, at blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Saan
mo ito nakuha?” Malamig ang boses niya.
Para bang kalokohan ang naririnig ni Madeline. “Mahalaga pa ba kung saan ko ito nakuha? Hindi ba
ang katotohanan ang dapat mong pagtuunan ng pansin.”
“Ang katotohanan?” Inangat ni Jeremy ang kanyang ulo at dinelete ang video sa isang swipe ng
kanyang kamay. Dinelete niya rin ang backup copy nito na nasa album ni Madeline.
Gulat na gulat si Madeline sa mga kilos nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Subalit, huli
na ang lahat. Wala ng laman ang album niya. Content © NôvelDrama.Org.
“Jeremy, bakit? Bakit mo iyon ginawa? Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang hinahamak ako
ngayon? Iyan lamang ang video na makapagpapatunay na wala akong ginawang kasalanan!”
Naging emosyonal si Madeline.
Subalit, napasinghal lang si Jeremy. “Ano bang kinalaman ng pagiging inosente mo sa akin? Magiging
maayos ang lahat basta masaya si Meredith.”
Hindi makapagsalita si Madeline sa tanong ni Jeremy.
Wala siyang paki sa pagiging inosente niya at sa buhay ni Madeline!
Si Meredith lamang ang gusto niya. Kaya kahit may masama itong gawin, ayos lang.
Dahil nga naman mahal niya ito. Nabubulag siya ng pagmamahal; masyado niya itong iniibig para
magkaroon ng prinsipyo.
Sa isang bigla, napakalma si Madeline. Nang tignan niya ang lalaking nasa harap niya, tutulo na sana
ang luha niya. “Jeremy, ayos lang ba sa iyo kung mamatay ako dahil sa ginagawa nilang
cyberbullying?”
Hindi inangat ni Jeremy ang kanyang ulo. “Mamamatay ka ba?”
Malamig ang kanyang sagot. Tila ba isa itong kutsilyo na tumusok sa puso niya. Bawat pulgadang
bumabaon sa kanya, kumakalat ang sakit sa katawan ni Madeline.
Kinuyom niya ang kanyang kamao. Nanlabo ang gwapong mukha nito dahil sa luha niya. “Jeremy,
sana ganyan ka pa rin hanggang sa araw na mangyari iyon.”
Nang sabihin ito, umalis na si Madeline at hindi na lumingon pa. Tumulo ang luha sa kanyang mga
mata nang walang tigil.
Pwede naman niyang kalimutan ang pagmamahal na mayroon siya para sa lalaking ito sa nakalipas na
labindalawang taon. Hindi lang siya makapaniwala na nahulog ang loob niya kay Jeremy.
Umalis si Madeline papalabas ng gusali at nagsimula pang umulan. Nakatulala siya at hindi napansing
may kotseng papalapit.
“Screech!” Isang nakabibinging tunog ang maririnig nang tumigil ang sasakyan, inangat ni Madeline
ang kanyang tingin. Subalit, malabo ang mata niya dahil sa ulan at luha. Gayundin, kita niya na may
lalaking lumabas sa kotse at nagmadaling puntahan siya. Bago niya pa makita ang mukha nito,
nahimatay na siya.
…
Nang magising si Madeline, gabi na.
Tumingin siya at napagtanto niyang nasa isa siyang magandang apartment. Ganoon pa man, kakaiba
ito.
Sa pagkakataong napaupo siya, isang gwapo at magtangkad na lalaki ang naglakad sa pinto.
Matapos itong tingnan nang ilang segundo, hindi makapaniwala si Madeline, “Dan?”
Ngumiti nang banayad si Daniel Graham. “Matagal tayong hindi nagkita, Maddie.”
Matagal na nga. Simula noong makagraduate si Daniel sa high school, hindi na siya nakita pa ni
Madeline.
“Pinakiusapan ko ang aking private doctor na tingnan ka ngayon. Sabi niya ayos ka lang,” inabutan ni
Daniel si Madeline ng isang baso ng maligamgam na tubig habang nagsasalita.
Ngumiti si Madeline na tila ba humihingi ng pasensya. “Pasensya ka na, Dan. Talagang naabala pa
kita.”
“Hindi naman abala. Ayos lang ang lahat basta ayos ka,” nagbigay init sa puso ni Madeline ang sagot
ni Dan/
Subalit, nang maalala niya ang sinabi ni Jeremy kanina, naramdaman niyang muli ang pagkawasak ng
kanyang puso.
Ito siguro ang bunga ng kanyang delusyunal at tagilid na pagmamahal.
Gabi na at uuwi na si Madeline. Subalit, nagtake out pa si Daniel mula sa isang five-star hotel. Punong-
puno ng pagkain ang buong mesa.
Ayaw naman ni Madeline na masayang ang mabuting intensyon ni Daniel, kaya nanatili na lang siya at
sinamahan itong kumain. Pagkatapos ng hapunan, namilit si Daniel na ihatid si Madeline pauwi.
Nang dumating ang kotse sa harap ng villa, sinabi ni Dan bigla, “Sabi ng doktor ko, buntis ka raw. Alam
ba ni Jeremy?”
Napatigil si Madeline. Lumingon siya at nakita niyang nagliwanag ang gwapong mukha ni Daniel.
Mabait at banayad ang mga mata nito.
“Alam niya. Oo naman, alam ng asawa kong buntis ako.” Nagpilit ng ngiti si Madeline at lumabas na sa
kotse. “Salamat, Dan. Sa susunod ibibili kita ng hapunan.”
Tumango si Daniel at ngumiti. “Hihintayin ko ang tawag mo, Maddie.”
“Sige.” Ngumiti si Maddie at kumaway. Tumalikod na siya pagkatapos tignan na umalis ang kotse ni
Daniel.
Sa pagkakataong pumasok siya ng bahay, isang malamig na kamay ang agad na humatak sa kanya.
Hindi ito nakita ni Madeline, at tumama ang ilong niya sa dibdib ng lalaking ito. Sa sumunod na
pagkakataon, narinig niya ang boses ni Jeremy sa itaas ng kanyang ulo. “Madeline, mas wala ka pang
kwenta sa inaakala ko.”